Lunes, Hulyo 4, 2011

Ala-ala


ALA-ALA
Ni: Nerissa Antolin

Masaya ang lahat…
Isang magandang araw ang sumalubong sa bawat kapamilya pati na rin sa mga kapuso.Nagbobonggahang mga kasuotan sa loob ng simbahan, lahat ay handa na at nasasabik sa mga mangyayari.
Tahimik akong nakaupo…
Pagtingin ko sa aking harapan, nasulyapan ko ang isang lalaking pangarap ko sa hinaharap, isang makisig at magalang na lalaki.
Nakasuot ng puting polo na para bang may anong nararamdamang kaba.Isang pangyayaring buong buhay niyang hindi makakalimutan ang sumpaan na kai dapat panindigan ng buong tapat at responsibilidad.
Bigla kong naisip ang nakaraan ko ng pagkakita ko sa perpektong tao na ito.
 “Gumising kana!” ang bosesay sa akin ng konting in
“Inaantok pa ako.."ang tangi kong sagot sa aking ina..
  Pero marinig ko ang ringtone ng cellularphone ko, agad akong napabangon at binasa ko ang isang text message..
 “Siya lang pala, akala ko kung sino”ang nasa isip ko..
“Good morning sau.. lagi mong ingatan ang sarili mo ahh…nag-aalala ako sau..” mensahe mg isang lalakeng nangungulit lagi sa akin..
Ako ang klase na babaeng party dito, party doon!Isang tawg palang ngng barkada ko,punta agad kahit sa isang kisap mata pa lamang..
Mahilig ako sa lahat ng bagay basta alam kong masaya ako..
Minsan nga ay nakagagawa ako na di maganda dala ng paganyaya ng barkada..`Yosi dito,inom duon..hindi ko na namamalayan,napapabayaan ko na ang aking pag-aaral…madalas napapagalitan pag gabi umuwi..at syempre,ang lagging dahilan “Birthday ng aking kaibigan”
Isang araw,may pinakilala sa akin ang aking matalik na kaibigan.
Matagal ko ng di nagagamit ang aking cellular phone ngunit sa kadahilanang ito,may nagtulak sa akin na ito`y gamitin.Wala akong hilig sa cellphone,dahil ang alam ko lang ay ang pumunta ng “club”kasama ng mga kaibigan..
Isang lalaking nagngangalang Mike ang taong nangungulit at humahadlang sa aking mga kagustuhan.
Bakit nga ba niya ito ginagawa?binigay ba sya saakin para mapagtagumpayan ang kanyang misyon?
 Ewan ko..!
“pwede ba,wag mo na akong pakialaman?kagustuhan ko ito kaya wala kang magagawa..lubayan mo na ako!”lumabas ang pagkataray ko na galit kong sinabi sa kanya..
Sa pag-aakalang titigil na siya ay parang mas pinapa inis pa niya ako sa kanyang reply:
“Mag-aral kang mabuti tama na ang paglalakwatsa,nakasasama yan sayo..”
Aakalain ko bang parang gumaan ang loob ko sa sinabi niyang iyon sa akin?Hindi ko alam pero yon ang aking naramdaman..
Mas nagtagal at tumagal pa..ay di ko namamalayang sumusunod ako sa kanyang mga payo..nabawasan ang pagsama ko sa aking barkada,hindi na ako naninigarilyo at ang nakakamangha sa lahat..naging interisado ako sa paggamit ng cellphone.Halos araw-araw na yata akong may load dahil para makausap siya.
Malambing pala siya at palabiro.
Napahinto ako sa prangka niyang tanong sa akin na:
“Tayo naba?Mahal kita Eilleen..”
“ha?ano bang sinsabi mo..?”matagal kong sagot.
“Hindi ko alam,but that’s what I feel,I LOVE YOU..kahit ikaw pa ang pinakamasamang babae sa tingin ng iba,para saakin ikaw ay isang anghel na hulog ng langit sa isang walang pag-asang umibig pa na tulad ko..”Ang nasabi niya.
Para bang exam,nakakablanko,wala akong masabi..gusto kong mawasak ang katahimikan habang tinatawagan ko siya.Ng tumagal,di ko namalayang napa “OO”na lamang ako sa kahilinagn niyang gustong matupad ng madalian.
Mas pinatibay naming dalawa an aming samahan.laging Masaya minsan nama`y may tampuhan.
Nagtagal kami ng isang taon..at iyon narin an aming unang pagkikita.Tuluyan ng hindi ako sumusunod sa mga outing at parties ng aking mga kaibigan.
Lahat ay nagbago..
Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral at gumigising ng maaga upang magreview kasabay ang pagkamusta sa kanyng kalagayan.
Ngunit...
Bigla akong napaluha. Ang kasabay ko siyang tutuparin an aming mga pangarap ay nawala nalang bigla.
Masisimula na ang seremonya at magsisimula narin ang kanilang walang hanggana pagmamahalan ng lalake at babae na aking nakikita.Tuluyan na ngang iniwan nila ang pagiging binata`t dalaga .
Hindi ko na kinaya.Hindi na tumigil ang aking pagluha.Lumakas pa ang aking pag-iyak.Itinuloy ko na ito sa labas ng simbahan upang walang makarinig.
Ang lalaking nagbigay ng inspirasyon,bumuo sa aking pagkatao at ang siyang nagpabago ng takbo ng aking buhay ay naglaho na lamang..
Nagsisisi ako..bakit kita pinakawalan.Ngayon ito ako,nasasaktan habang nakikita kong nakikipagsumpaan ka sa iba..ang iyong makakasama  habang buhay na ang akala ko`y tayong dalawa.
Salamat sa panahong iniukol mo sa akin.ang nagbigay ng liwanag sa madilim at walang deriksyon kong buhay…pasasaan ba`t mapapawi din ang aking kalungkutan.
 Binuksa ko ang radio cassette.
Patapos na ang kanta..
            “More than a broken vow”
Paalam sa magandang ala-ala.


Dapithapon

DAPITHAPON

ni Princess Catherine Bustos

kumukulimlim na ang buong kalangitan, dumidilim na rin ang paligid na sinasaliwan pa ng unti unting pagpatak ng ulan…Ang mga estudyante ay kumakaripas sa  pagtakbo upang tumutungo sa lilim, na parang pagong na nagtatago sa kanyang bahay,may mga grupo ng magkakaibigan ang nagmamadali naming puntahan ang shed upang mag-abang ng traysikel…
Mayroon namang mag-aaral na sadyang tamad magdala ng payong kung kaya sila ay naghihintay sa loob ng kanilang silid-aralan upang patilahin ang ulan… na kung tutuusin, maituturing na isang krimen para sa mga estudyante,sapagkat  sa pagtunog pa lamang ng bell ay parang sinisilihan na ang kanilang pwet upang lisanin na ang paaralan.
Sa kwarto tumingin si letty sa salamin at inayos ang mahaba at itim na itim nyang buhok,medyo may katangkaran sya ,balingkinitan,at may mga matang may kasingkitan.pawala na ang mga tinig ng kanyang mga kaklase,naghihintay pa rin sya sa  pagdating ng kanyang sundo, “ malamang hindi nareceive ni tito ang text ko”sambit nya..
 Sya na lamang ang natira sa medyo maykalakihan at tahimik na silid na iyon.Nilisan nya ito at naglakad-lakad sa hallway, may mangilan ngilan pa ring naiwang estudyante. Sa kanyang pagmamasid nahaging ng kanyang mata ang kanyang crush,katulad ng isang tipikal na teenager,nakaramdam sya ng pagkakilig pamumula,at pakiramdam na parang lumilipad sa ulap..tila sinasadya ng panahon ng lapilan nya si letty na parang napansing giniginaw ito..
“Heto,kunin mo ito”,ang mabait na tugon nito sabay abot sa jacket nakaramdam sya ng pagkahiya at tinanggap din ito.
Salamat…ang nahihiyang sagot ni letty
 “ Lagi kitang nakikita dito pero hindi ko pa alam ang pangalan mo” lahad ni greg.
 Nahihiya man, tumingin pa rin ito sa mukha nito namataan nya ang kulay pulot-pukyutan at tila nangungusap na mga mata ,matangos na ilong, kahit tago ang kabuuan ng katawan nito napansin nya ang magandang tikas ng katawan nito.
 “Letty Santos … at ikaw, si Greg?
Bakit mo alam?
“Kilala ka dito, sa campus ..
Ngumiti si greg na lalong nagpaigting sa kanyang kakisigan at nagdagdag naman ng kulay sa pisngi ni letty. Nagpalitan ng tanong at nagging magkaibigan sila. Nakaramdam sya ng konting pagkairita sa nakakatunaw nitong titig kung kaya nagpaalam muna itong gagamit ng banyo.
Sa loob nito hindi nya mapigilang makaramdam ng pagkakilig. Inumpisahan nyang tignan at ayusin ang sarili. Nilagyan ng konting kolorete ang kanyang mukha na lalong nagpatingkad sa kanyang ganda.. sinuklay ng bahagya ang kanyang makintab na buhok at dinampian ng lipstick ang mapula at manipis na labi. Nang biglang sa gilid ng kanyang mata ay may nahaging ang kanyang paningin..isang itim na pigura ang dumaan sa kanyang likuran. Tumingin sya sa kanyang likuran ngunit wala naman syang nakita..ipinagpatuloy nya ang pag-aayos ng biglang namatay ang ilaw. Umihip ang malakas na hangin at kumalabog ang pintuan! Sa pagbukas ng ilaw isang pigura ang unti-unting nabubuo sa kanyang likuran,nahahaging ito ng kanyang mata pilit nyang iwinaksi ang kanyang tingin ngunit tila napagkit ang kanyang mata sa pigura. Namatay muli ang ilaw at sa pagsindi nito ay wala na ang pigura tila napatda sya sa kanyang kinatatayuan,ngunit ilang segundo pa ay naglakas loob syang tignan ang nasa kanyang likuran…namatay muli ang ilaw! Pinilit nyang sumigaw ngunit wealang tinig na lumalabas sa kanyang bibig…
Sumindi…Namatay… Sumindi…sa kanyang harapan ay nabubuo ang pigura…
Namatay…sumindi… lalong lumilinaw ang itsura ng pigura…isang babae…
Namatay…Sumindi… palapit ng palapit ang pigura…lalong nagiging malinaw ang detalye nito… isang babaeng  nakabelo ng itim…
Namatay…sumindi…nawala ang pigura…napapikit si Letty…
Namatay…sumindi… pagdilat ng kanyang mga mata…kaharap nya mukha sa mukha ang pigura…isang itim na nilalang na nanlilisik ang mga pulang mata…tila nagyelo si Letty sa takot…pumikit syang muli at nawala ang pigura…
Nadinig nya na may sumisigaw sa labas ng banyo…”Ayos ka lang ba?”
Bumalik ang kanyang ulirat, at dali daling tumakbo patungo sa pintuan… binuksan nya ito at tumambad sa kanya si Greg…di nya maiwasang mapayakap dito… nagulat ang lalaki… at di nya alam kung ano ang sasabihin
“Letty are you ok?....naguguluhang tanong ni greg
 Humagulgol ito ng humagulgol…. “unti-unti nanamang bumubukas ang third eye ko!..kitang-kita ko sya.. nakaiitim.. nanlilisik ang mga mata..takot at pautl-utal na sagot nito..
Hush…letty tahan na..alo ni greg.
Masasanay ka rin .. ganyan din ako noong una ..nanakakatakot,,marami na akong karanasan..
Pero para itong sumpa na dadalhin ko haggang sa aking pagkamatay..
Hindi..hindi, nakakamali ka isa itong biyaya at hindi kasuklam suklam na regalo …malalaman mo rin..malapit na..

Linggo, Hulyo 3, 2011

Charles

Charles



O.E. Morris               
  
              Ito na ang huli…
            Tiningnan ko ang kanyang mga mata, ang kanyang mga labi na pilit na ngumingiti. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok, pinigil nya ito at hinawakan ang aking kamay.
            “I cannot do this anymore…We have to stop…” Sabi nya sa akin.
            “My mind understands but my heart won’t comprehend.”  Ngumiti ako para itago ang lungkot sa aking mukha.
            Tahimik…
            Tahimik kaming kumain ng hapunan sa isang walang katao-taong restoran, tamang tama ang pagkakataon sapagkat privacy ang kailangan naming dalawa.
            Habang kumakain ay tinitingnan ko sya, at sa bawat subo nya ay tila unti-unting bumabalik sa akin ang lahat…
            Nang kinakailangan ko ng karamay sa mga problemang hindi ko maibulalas sa aking mga magulang ay dumating sya. Sa isang Bookstore sa lungsod ng San Jose, Nueva Ecija kami nagkakilala. Bumibili ako ng libro noon, nang nakita ko na ang aking hinahanap ay pinuntahan ko ito sa shelf, at nag-kataon namang iyon din ang librong nais nyang bilhin,iisang kopya yung nahawakan namin sa dinami-dami ng kopya ng librong iyon sa shelf, parang isang eksena sa pelikula na nagkalapit ang aming mga kamay at bahagyang nagkahiyaan.
            Napakaganda niya, ang kanyang mga mata ay tila pukyutan sa kinang na binagayan naman ng kanyang mapupulang labi, isang perpektong mukha na kahit si Cleopatra ay mahihiya. Nakita ko na lang ang aking sarili na nagpapakilala na sa kanya.
            “Gusto mo rin pala si Exuperry?” Simula ko ng usapan.
            “ Oo maganda kasi ang moral ng novel nya…” sagot nya sa akin.
            “Hi, ako nga pala si Charles” pakilala ko sa kanya.
            “I’m Lydia…nice to meet you” Ngumiti sya sa akin at naglahad ng kamay.
            “Naglunch ka na ba, sabay tayo…my treat…”Aya ko sa kanya, tila naging presko ata ako noon na di ko naman nagawa sa ibang mga babae.
            “We’ve  just met…” komento nya, napreskohan nga sya sa akin.
            “Sometimes it’s nice to be with someone that you just met…Para magkaroon ka ng bagong kaibigan.” Ngumiti ako, gagana kaya ang sales talk ko, sa isip-isip ko.
            At kumain kaming dalawa, ni hindi ko man lamang tinanong kung may boyfriend na sya, baka mamaya e may bumugbog na lang sa akin. Nagkwentuhan tungkol sa pamilya ng isa’t-isa., sa buhay ng isa’t-isa at nagbigayan ng numero ng telepono.
            Sa text kami nagligawan at sinagot nya ako. Ako ay taga-Lupao sya naman ay Isabela, ang layo ng aming pagitan. Kapag may oras kami ay nagkikita naman kami sa Cabanatuan at duon nagdadate. Medyo kakaiba rin an gaming relasyon dahil hindi kami nagtatago ng larawan ng isa’t-isa kahit sa cell phone.
            “ Hayaan mo na lang na nakatatak ang itsura ko sa puso mo…” Iyon ang sabi nya sa akin, may pagkaromantic sya na di ko matanto…
            Sa mga katrabaho ko, ang tingin nila sa akin ay lalaking birhen, may gatas pa sa labi at hinayaan ko na lang ang imaheng ito. Inosente daw ako, yun ang ipinakita ko sa loob ng tatlong taon na magkasama kami, sa mata ng iba ay wala akong girlfriend at kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng girlfriend. Pero ang totoo ay pangalawa na si Lydia sa naging kasintahan ko, ang una sa tingin ko ay di ako seryoso at bata pa ako pero si Lydia…seryoso ako, seryoso ako para sundin ang kakaiba nyang ritwal sa aming relasyon na sa iba ay naweweirdohan o magkakaroon ng pagdududa. Kung mahal mo ang isang tao ay dapat na intindihin mo ang kalakasan at kahinaan nya at tanggapin iyon, ganon ang ginawa ko…
            Sa isang date namin ay nakahiga kaming dalawa sa kama, at napag-usapan namin ang aming mga  pangarap…napag-alaman kong nag-apply sya sa Dubai bilang staff sa isang hotel, nagalit ako sapagkat di man lamang nya ito kinunsulta sa akin, nagkaroon kami ng matinding pagtatalo. Ayoko syang umalis, naging makasarili ako…
            Dalawang linggo kaming di nag-usap, sa ikatlong lingo nagparamdam naman sya sa akin, kaya lang quotation lang pinadala nya, nagreply ako di na sya sumagot, ang tatlong linggo ay naging isang buwan, dalawang buwan, ako na ang di nakatiis, tinawagan ko sya, alang sumasagot…inulit-ulit ko ang pagdial ng telepono, ala pa ring sumasagot hanggang sa low-bat na ako.
            Pebrero…buwan ng mga puso, napakasakit na sa Valentines day ay wala ka manlang mapadalan ng roses…pero hindi naman kami nagcecelebrate ng Valentines day…kasi di naman kami nagkikita ng ganung araw…kaya lang puro ligawan, pag-iibigan ang nasa paligid ko na para bang nang-iinis, beeeh ala kang kasama ngayon, inggit ka ano? Parang ganoon ang sinasabi ng mga taong nakikita ko…
            Pebrero 24, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, muling nabuhay ang puso ko na tila nadehydrated sa sobrang love na nakikita ko…Nagyaya siya ng date, at mabilis pa sa alas kwatro ay pinuntahan ko ang nanay ko na nakikipagtsismisan sa labas at nagpaalam, naligo ako at nagbihis…
            At heto na kami ngayon, kumakain…ang pag-asa ko na magkakaayos kami ay lumalabo na…
            “So I guess this is goodbye?” Sinabi ko ulit upang pukawin ang kanyang atensyon.
            “I believe so…but before this day ends…” Dahan dahan syang dumukwang ng halik, at hinalikan ko naman sya pabalik.
            Nakita na lang namin ang aming mga sarili sa isang silid, magkatabi at unti-unting naglapit ang aming mga kamay, muli na pinagningas ang mga damdaming naapula… Ninamnam ang bawat sandali, hinayaang ang puso ang magdikta at naging tanga muna panandalian
            Sapagkat…
            Ito na ang huli…
            Pagkatapos nito ay aalis na sya patungong Dubai at di na kami magkikita…
            Ito na ang huli…